LP66: Tuyo (Dry)
Jul 17, 2009

Tingnan mo ang katawan ng punong ito, akala mo tuyo na. Sa kulay ng balat nya, halatang matanda na at matagal ng panahong nabubuhay.
Pero, sa isang sanga nya, buhay na buhay ang mga halaman tumutubo.
At kung titignan mo sa malayo, kay yabong ng kanyang mga dahon at kay lawak ng nabibigyan nya ng lilim! Kuha ito sa Dauis Church Complex sa Bohol. Ito yung giant acacia tree naibigang mabuti ni Market Man, kaya nga pilit namin siyang pinuntuhan ng mag-Bohol ulit kami last month.
Ito ang lahok ko ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.


















