LP 46: Tipanan (Date)

Feb 19, 2009


Kapag may asawa ka na, hindi na minsan practical ang pagde-deyt. Kasi habang kumakain kayo sa labas o nanood ng sine, hindi mo maiwasan maisip , ano kaya ang kinakain ng mga bata, nagawa na kaya nila ang assignment nila o kaya ay baka hindi pa natutulog ang mga iyon sa kahihintay sa amin. Hay, ganun talaga pag may pamilya na. Hindi na sa inyong dalawa na lamang umiikot ang mundo mo. Kaya kalimitan, ang aming mga tipanan ay pang-pamilya.

Ang aming paboritong pasyalan ay ang QC Circle, isinasabay na namin ang pag eehersisyo, pagkain sa labas at family bonding.

Pero kahit na lakad pampamilya, nakakasingit pa din kami ng aming sweet moments, hindi ba?Madami pang magagandang larawan sa Litratong Pinoy.


7 comments: to “ LP 46: Tipanan (Date)

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster