LP 67:Nakakakilabot

Jul 24, 2009




"Nakakakilabot" ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes at heto ang aking lahok. Kuha ito sa Hinagdanan Cave ng pumunta kaming muli sa Bohol nuong nakaraang buwan. Nai-imadyin mo ba kung mahulog ka sa kuwebang ito mula sa itaas? Sabi-sabi ay ganun nadiskubre ng may-ari ng lupa ang kuweba.



Pero heto kami ng aking irog, hindi naman kami mukhang kinikilabutan di ba? Nag-enjoy nga kaming mabuti sa Bohol e.

Kung nais nyo pa ng ibang nakakakilabot na litrato, punta kayo sa Litratong Pinoy.


7 comments: to “ LP 67:Nakakakilabot

  • Yami
    July 24, 2009  

    Dinah, ano 'yung nasa images sa pangalawang pictures? Parang mga skull, 'di ba? Mas nakakatakot puntahan ang cave na 'yan kapag gabi na.

  • Dinah
    July 24, 2009  

    @yami, Bats. scary no? medyo hapon na nga kami dyan kaya madilim na siya talaga.

  • Nortehanon
    July 24, 2009  

    Siguro I wasn't paying attention nung napuntahan ko yan dati kasi hindi ko napansin na may mga bats hehehe. Or perhaps I was just excited to see Chocolate Hills hehehe

  • Dinah
    July 24, 2009  

    @N, actually ako din hindi ko alam na Bats yung nandun. sa flash lang ng camera nakuha. tapos may mga tumutulo pa, kala na nga namin bat droppings, pero moisture lang naman pala. he he

  • shykulasa
    July 25, 2009  

    maganda dyan sa hinagdanan cave, medyo maliit nga lang. nasubukan mo bang maligo dun sa tubig? ang lamig eh nakakakilabot!

    salamat sa bisita :)

  • PEACHY
    July 25, 2009  

    ay nakapunta na ako dyan, nakakakilabot kasi madilim sa loob tapos yun kasama ko pa eh may third eye, tama ba nmng sabihin sa amin na may nakaupo sa bandang dulo, sa kabila nun tubig :-)
    salamat sa pagbisita!

  • ibyang
    July 28, 2009  

    nakapunta na rin kami ng asawa ko sa cave na yan..at kinilibutan din ako nang kami ay nasa loob. i swear di kami masyadong nagtagal sa loob nyan.

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster