LP 72: Hapunan
Aug 28, 2009


Ipagpaumanhin nyo muna po kung tabingi ang lagay ng larawan ng aming hapunan dito. Buong umaga ko na pong iniisip kung bakit nagkakagayon, pero hindi ko pa rin po alam ang sagot. Baka po matulungan nyo ako ay mag-iwan na lang po ng komento sa ibaba.
Tungkol sa hapunan: Di ba po kami ay nagpunta sa Bohol nuong nakaraang Hunyo. At dahil ito ay aming pangalawa nag dalaw sa lugar ng mga higanteng tsokolate ay mga simbahan at kainan naman ang aming dinayo rito. Ng aming unang araw, namasyal kami sa Panglao Island Nature Resort at sa Hinagdanan Cave. At para sa hapunan, kami ay nagpunta sa Payag Chicken House na masarap daw sadya ang Chicken Inato. At oo nga, sdyang masarap. Hindi siya tuyot at bago ang manok. Yummy!
At siempre, mas masarap ang hapunan kung kasama ang mabubuting kaibigan.

Kasama namin ng aking sweetheart sa larawan ang aking college friend, kumare at best friend for life na si Rona at si best friend Rodney. Sa sobrang sarap ng aming hapunan, kinailangan naming maglakad na lamang mula sa Payag pabalik sa aming hotel. Hay naku, the best hapunan talaga ito!
Kung nais nyo pa ng mga masasarap na larawan ng mga hapunan, dalaw na sa Litratong Pinoy.
August 28, 2009
dapat kasi itinabingi mo din ulo mo ng kinuhanan mo ng piktyur ang inyong hapunan hehehe. Chicken inasal ba yan? pinagaaralan ko yan lutuin hehehehe...
August 28, 2009
mukhang malasa at masarap at juicy ang manok mo :-)
pahingi!
August 29, 2009
Looks good!
Suggestion ko.
1. Rotate using a picture editor
2. Screenshot
3. Crop
4. Rename and save
5. Post to blog
Sana makatulong.
Z
August 29, 2009
puede mong i-rotate yung picture para tamang position uli.
chicken inato is a visayan specialty! bacolod yata? :)
August 30, 2009
yung mga bagong camera yan meron ng auto-rotate features, tulad ng niregalo ko sa husband ko.
last December nasa Bohol din kami, pero hindi kami nakarating ng Hinagdanan cave. now, may reason ulit kami para bumalik. ;)
September 01, 2009
Oh my God!Jo's chicken is my favorite..I just love the taste, it's so tasty..That will be my very first food to eat when we'll go visit our family in Cagayan de Oro in 2 years..Hmmmm I know quiet far from today..Nways, Droppin by here and dropped ec too..Hope to see ya in my blog
www.vicyjeff.com
September 01, 2009
actually, the picture is okay when saved in my laptop. but once I upload it, nagrorotate na sya. resizing does not work either.