Napapansin pa kaya ng mga batang ito ang ganda ng kanilang tanawin habang sila ay naglalakad patungong paaralan? O sanay na sila, at ang nadarama na lamang nila ay pagod sa layo ng kanilang nilalakad? Kami ng kaibigan kong si Vangie ay talaga namang nabighani sa lugar na ito ng Laiya, Batangas. At habang ako ay kumukuha ng mga larawan ng magandang tanawin na ito, ang mga batang iyon ay nakapukaw ng aking pansin. Malayong lakarin talaga, pero kung para sa kinabukasan at kung kasama naman ang mga kaibigan, masaya na rin ang lakad.
September 04, 2009
Naku! parang ang hirap maglakad sa batuhan. Nice pics!
Happy LP! Heto naman ang isang KONTROBERSYAL NA LAKAD
http://vanidosa.blogspot.com/
September 04, 2009
kawawa naman mga bata.Pasalamat na talaga kasi hindi nararanasan ng mga anak ko yan..
September 04, 2009
siguro dahil araw-araw nilang gnagawa, hindi nila pansin ang magandang tanawin. ganda ng kuha mo. maligayang LP!
September 04, 2009
naku dinah, takot lang nilang banggain mga chairmen sa dami namin....hehehehe