LP 77: Linis

Oct 1, 2009


Makaraan ang pananalasa ni Bagyong Ondoy, at matagpuan mo ang iyong buong pamilya na ligtas, makakareklamo ka pa ba kahit ganito kadami ang kailangan mong linisin?

Oo, sadyang masakit sa katawan, subalit hindi ko na inalintana ang pagod sa pagsisimula ng paglilinis, para lamang maibalik sa normal ang kalagayan ng aking tahanan.

Sa kabila naman ng trahedya, basta tulong-tulong ang buong pamilya sa paglilinis, gumagaan na din naman ang mabigat na gawain. Lalo na at kalat lamang naman ang iyong kailangang linisin, at hindi katulad ng nakararami na ang napira-pirasong buhay at kabuhayan ang kailangang muling buoin.

Sa mga nais magbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo, pumunta lamang po sa Barrio Siete kung paano kayo makakapaghatid ng inyong tulong.



3 comments: to “ LP 77: Linis

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster