LP 77: Linis
Oct 1, 2009

Makaraan ang pananalasa ni Bagyong Ondoy, at matagpuan mo ang iyong buong pamilya na ligtas, makakareklamo ka pa ba kahit ganito kadami ang kailangan mong linisin?

Oo, sadyang masakit sa katawan, subalit hindi ko na inalintana ang pagod sa pagsisimula ng paglilinis, para lamang maibalik sa normal ang kalagayan ng aking tahanan.

Sa kabila naman ng trahedya, basta tulong-tulong ang buong pamilya sa paglilinis, gumagaan na din naman ang mabigat na gawain. Lalo na at kalat lamang naman ang iyong kailangang linisin, at hindi katulad ng nakararami na ang napira-pirasong buhay at kabuhayan ang kailangang muling buoin.

Sa mga nais magbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo, pumunta lamang po sa Barrio Siete kung paano kayo makakapaghatid ng inyong tulong.
October 01, 2009
naku, naranasan ko rin yan at talagang hindi biro. sana, hindi na maulit iyan sa inyo at sang-ayon ako na dapat magtulung-tulongan para maibalik sa normal ang lahat.maligayang LP!
October 02, 2009
Aw. at least tulong tulong pa din. ingat!
October 02, 2009
basta ok kayo kaya niyo yan, basta tulong tulong kayo.. now pepeng naman. ingat kayo jan