LP 80: Masinop
Oct 22, 2009

Heto ang alkansiya ng aking bunsong anak na si Ishi. Oo, binubuksan nya, binibilang at muling tinatakpan kaya ganyan ang itsura nyan. Masinop siya, at kapag binigyan moo ng barya ay diretso sa kanyang alkansya.
Nuong isang araw, naubusan kami ng gasul at umorder ako, yun pala kulang ang pera ko sa wallet. Hinihiram ko ang 100 pesos ni Ishi sa kanyang alkansiya pero ayaw nya. Papayag daw siya kung kapag isinoli ko ay dalawang 100 na! O di ba, masinop na, ay mautak pa!
Binilhan ko na siya ng ibang alkansiya, yung hindi nabubuksan pero ayaw niyang gamitin. Kasi daw hindi niya mabibilang ang pera nya sa loob! Hay buhay talaga!
October 22, 2009
ahahaha! kakatuwa ang anak mo. naalala ko ang alkansya ng kapatid ko na haligi na kawayan sa dirty kitchen ng lola ko. secret nila ng lola ko yon, walang nakaalam until nag decide na sirain ang lumang dirty kitchen para masemento.:p
October 22, 2009
ay hihihi! kakatuwa! gusto niyang bilangin ha. mabuting bata:)maligayang LP!
October 22, 2009
Aba magaling na bata yan! Imagine kung ibang bata yan siguradong nasa tindahan na yang mga baryang yan!
October 23, 2009
Businessman ang anak mo ha ha! So, binalik mo ba na 100% ang tubo? :D
Happy LP!
October 23, 2009
hahaha! Ganiyan din ang mga anak ko... May interes agad. Kakatuwa ang mga bata!
October 23, 2009
wais! may tubo agad ang hihiraming pera! haha.
October 23, 2009
Very impressive little Ishi!keep it up!
October 23, 2009
matalino ang anak mo.
me pyutyur sa bisnis!
October 23, 2009
it is a very good thing that you are able to teach your child to save at an early age.
malaking bagay yan pag laki nila.
October 24, 2009
Haha, ganyan din ako kay mama ko, mautak,HAHA =D