LP 81: Amoy

Oct 29, 2009







Ako po way walang pang-amoy. Opo, hindi kapani-paniwala pero sadya pong wala na akong sense of smell magmula ng ako ay ma-operahan sa aking sinuses mga anim na taon na ang nakakalipas. Mas madalang pa po sa patak ng ulan sa disyerto ika nga ang pagkakataon na ako ay nakakaamoy. Madalasay napaka laking hassle nito, katulad ng pag nagluluto o bumubili ng pabango pero minsan naman ay mainam din. Katulad ng kapag nag-gym ako, hindi ko naamoy ang pawis ng katabi ko.

Isa pang kainaman nito ay nung naglinis kami ng pinsalang dala ni Ondoy. Ang putik ay sadya namang kakaiba ang amoy, nanunuot daw, ika ng aking kaibigang si Ehms. Masakit pa nga daw sa dibdib, sabi naman ng kaibigan kong si Rona. Tinatawanan ko lang sila habang ako ay nagtatampisaw sa putik dahil sadyang hindi ko naaamoy! Pero putik na lupa at sadyang mabahong burak sa ilalim, at talaga daw na mabaho. Buti na lang at hindi ko naaamoy!


2 comments: to “ LP 81: Amoy

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster