Tayo Tayo Rin Lyrics and Video

Nov 9, 2009

I just came across this video in Facebook (thanks Boss Micks!) this morning and I love the message. This is something that all of us Filipinos should take to our hearts.




Lyrics to the song follows below.




CHORUS:
Sino pang magdadamayan
Kundi tayo-tayo rin
Kung may pagkakataong tumulong
Huwag palampasin

Simulan na ang magtanim
Ng mabubuting gawain
Dahil sino pang aani
Kundi tayo-tayo rin

Kung dumaraing ka
Masdan mo ang musmos
Gusto sanang mag-aral
Ngunit nanlilimos

Kung nagigipit ka
Masdan mo ang dalaga
Di maabot ang pangarap
Dahil babae sya

PRE-CHORUS:
Bawat tao'y may problema
Ngunit bawat tao'y may lakas
Magsikap ka, magsama-sama
Lahat ng iya'y may lunas!

REPEAT CHORUS

Kung nalulungkot ka
Masdan ang isang ina
Di mabigyang-buhay
Ang sanggol nyang dala

Kung nangungulila
Masdan ang may sakit
Hangad nya ay unawa
Ngunit walang lumalapit

REPEAT PRE-CHORUS, CHORUS

BRIDGE:
Halika, kumilos na
Sabay tayo
Tara may oras pa
Tulungan tayo!

NARRATION:
Ang pag-alis ng kahirapan
pagpapabuti ng edukasyon
pagsulong ng patas na karapatan at
kalusugan ng lahat...
Ang pag-aalaga ng kalikasan,
At pandaigdigang pagtutulungan
Ito ang Millenium Development
Goals o MDGs.
Sikapin nating maabot ang mga ito.
May kanya-kanya tayong lakas!
Tulungan tayo!

REPEAT CHORUS
Lyrics Source: Tristan Cafe


Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster