LP 84: Paskong Pinoy

Dec 18, 2009

Wala pa nga pa akong entry sa Litratong Pinoy kahapon kaya naisip ko na maglakad-lakad kagabi para tingnan ang paligid ng simbahan at lugar namin kung paano ba ang gayak para sa Pasko. At heto ang aking mga napiktyuran. Ang nasa itaas ay kakaibang Christmas tree na gawa sa plastic ng ice candy at colored water. Yung katabi naman ay gawa sa mga plastic at maging sa lagayan ng softdrinks. Kakaiba, hindi ba? Pinoy na pinoy talaga sa pagka-malikhain!

Pero siempre, mawawala ba ang pagkain?


Heto naman ang nakita namin sa paglibot sa paligid ng simbahan. Ang senyales ng pag-uumpisa ng Misa De Gallo ay ang pagsulputan ng mga nagtitinda ng Puto Bumbong at Bibingka. Ang sarap di ba? Pinoy na Pinoy din!



1 comments: to “ LP 84: Paskong Pinoy

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster