LP 87: Makapal

Jan 8, 2010


Naghahanap ako ng pictures ng mga politikong makakapal ang mukha para mailagay dito, pero naisip ko na dagdag publicity pa yun sa kanila. It would be like aiding and abetting criminals, ha ha. So para sa unang entry ko ng Litratong Pinoy ngayong taon, larawan ko na lang ang aking ilalagay.

Heto ako nung magpunta kami sa Tagaytay last November. Ang lamig, kaya naman bagay na bagay ang aming bagong makapal na jacket na sadyang pinagawa para sa Planning at Team Building namin na ito. Ang lamig din talaga sa Tagaytay pag ganitong panahon.

At sa sobrang lamig, uminom pa kami ng masarap na masarap na tsokolate sa Taal Vista kahit busog na busog na kami pagkagaling sa Sonya's Garden.

Heto din ang larawan ng masarap na tsokolate para matakam kayo.

Ang sarap nya, pramis!


17 comments: to “ LP 87: Makapal

  • ian
    January 08, 2010  

    nako, ang tagaytay talaga, kilig to the bones ang lamig, lalo na pa-november to feb... di ka halatang ginaw sa pic hehe o frozen na ba yung smile sa baba ng temperatura? =]

  • Carnation
    January 08, 2010  

    hello salamat sa dalaw, oo nga mas malamig doon sa scotland lalo na ngayon minus zeero pa rin daw at makapal ang snow. naku buti na lang nakabalik na ako sa asya ilang araw bago nangyari yon. sarap ng tsokolate, lalo na yong native cacao.

  • Ebie
    January 08, 2010  

    Wow, Dine, ang ganda ng Tagaytay!Cute and pose mo!
    Happy New Year and Happy LP! See you around!

  • Willa
    January 08, 2010  

    sarap naman ng chocolate drink nyo!

  • Mauie Flores
    January 08, 2010  

    LOL! Mabuti naman at di mo inilagay ang pictures ng mga makakapal na mukhang politiko. Masisira lang ang kagandahan ng blog mo.

    Salamat pala sa pagbisita. Happy New Year!

  • thess
    January 08, 2010  

    Not only that your backdrop is gorgeous, you have a nice smile too :)

    Hapyy LP and have a fine weekend!

  • Chie Wilks
    January 08, 2010  

    hello Dinah..salamat sa pagbisit sa unang post ko sa Litaratong pinoy..ilang kasi ako mgtagalog kasi visaya... Mganda ang idea mo sa mkapal..ung mga mkakapal na mga mukha ng mga politiko..naku ngkalat kahit saan ang mga mkakapal na yan..lalo na sa TV hehhehe....ok din naman itong idea mo na makapal na jacket...tamang-tama nga sa malamig na simoy ng hangin dyan sa Tagaytay..

  • an2nette
    January 08, 2010  

    sadyang malamig talaga sa tagaytay, palagi kami diyan kasi malapit lang sa bahay namin, hapi LP sis

  • ♥peachkins♥
    January 08, 2010  

    Uy may baso akong ganyan. gamit ko sa pagkakape..hehe...

  • Joy
    January 09, 2010  

    Sarap!!!
    Salamat sa dalaw! Magandang araw sa yo, ka-LP!

  • Snow
    January 09, 2010  

    Nice pic Dinah. And yes, natakam ako sa choco drink na nakalagay diyan sis. ~_~

  • Keith
    January 09, 2010  

    Ang sarap magpunta sa Tagaytay this time of year. Kahit nga makapal na jacket eh sigurado giginawin ka pa rin.

    Happy LP!

  • Mirage
    January 09, 2010  

    mapupuno lang ng pnagit na litrato itong blog mo kung picture nila nilagay mo haha. Bakit di ko naisip ang makapal na fog ng tagaytay, dapat yun entry ko hehe. Happy LP!

  • Pinky
    January 09, 2010  

    Sarap ng tsokolate - perfect for the comfortably cool Tagaytay weather :)

  • julie
    January 10, 2010  

    Tsokolate-e ay napakasarap sa malamig na panahon :)

  • Ronnie
    January 11, 2010  

    no need to post the politicians' pictures. kilala na namin sila hahaha.

  • josie
    January 12, 2010  

    super ginaw talaga dyan, and the tsokolate, lalo na pag hersheys wow!!!!

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster