LP 88: Manipis

Jan 14, 2010

Ang tema sa Huwebes na ito para sa Litratong Pinoy ay manipis at ang unang larawan na pumasok sa isip ko ay ang larawan ng tema ng aking blog: Ang Tutubi (Dragonfly). Very serindipitous ang pagkakakuha ko ng larawang ito. Bago ang aking camera at naghahanap ako ng Tutubi para sa blog na ito. Buti na lang, sa swimming party ng nanay ko ay nakuhanan ko ito habang umiikot-ikot sa resort. Bilib ako sa mga maninipis na pakpak nya, ganun din ang manipis at putulis na katawan

Heto ang close-up na kuha ko. Ang nipis ng mga pakpak nya hindi ba? Talagang kahanga-hanga ang mga nilikha ng Diyos! At ang hirap nilang kuhanan ng larawan ha. Kasi naman, chipipay lang ang camera ko. Buti na lang at nakikisama talaga ang tutubing ito at pose kung pose!



At wag kalimutan ang paru-parung bukid!

Heto pa ang isang nilalang na bagamat may maninipis na pakpak ay sadya namang nakalilipad at padapo-dapo sa mga bulalak!



O hindi, kakaibang mga nilikha!


9 comments: to “ LP 88: Manipis

  • Willa
    January 14, 2010  

    ang cute naman ng mga litrato mo, kitang kita tlaga ang maninipis nilang pakpak. :)

  • Ebie
    January 14, 2010  

    Naku Dine, wala akong swerte sa pagkuha ng tutubi o paruparu. Talagang manipis ang mga pakpak nila!

    Congratulations to your new camera. Enjoy and happy LP.

  • Arlene
    January 14, 2010  

    I love playing tubitubi noong maliit pa ako. just love their colorful wings.

    Maligayang Huwebes!

  • thess
    January 14, 2010  

    Naku ha, oks na oks ang camera at talent mo! Ang ganda nga nga captures eh!
    at oo, magagandang nilikha talaga ang tutubi at paruparo :)

    Happy LP, Dinah!

  • Chie Wilks
    January 14, 2010  

    ang ganda ng pgkakakuha ng mga litrato....ang ang galing ng naisip mong idea para sa tema..

    salamat sa pagbisita sa post ko

  • Pinky
    January 14, 2010  

    Tagal ko nang di nakakakita ng tutubi - salamat sa pag-share! :)

  • eyefocus
    January 14, 2010  

    napakahirap tsambahan ng tutubi (at paru-paro) dahil malilikot sila, mabuti nga't nakisama sila sa yo. natunugan kasi ata nilang bago ang iyong camera, congrats :) happy shooting and happy lp!

  • fortuitous faery
    January 14, 2010  

    namiss ko bigla makakita ng tutubi! wala kasi dito sa kinaroroonan ko sa new jersey.

  • Nance
    January 17, 2010  

    Hello there! ... blog hopping here from Ebie.
    You have a nice blog, i enjoyed reading your older posts.

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster