LP 90: Balak

Jan 28, 2010



Ang dami kong mga balak at plano ngayong taon: bagong bahay, bagong kotse, bagong hobby, mga biyahe at marami pang iba! Ano, balak at hindi pangarap? A, magkaiba ba yun? Ha ha. Seryoso, ang aking balak gawin talaga bago mag summer ngayong taon ay ang umakyat ng Mt. Pinatubo. Sadyang pinaghahandaan ko yan para kaya ng aking budget, panahon at katawan. Bahagi ng aking paghahanda, inuna ko ng akyatin ang bulkan sa Tagaytay. Ang tagal ko na din kasing dinadaan yan, ay di ko pa nararating. O e di ngayon, kami ay up close and personal na.

Dapat kasi ay aakyat na kami ng Pinatubo nuong nakaraang taon. Pero ipinagbawal dati dahil sa may nadisgrasya. Hay, matitigas kasi ang ulo!

Kayo, ano ang mga balak nyo?


6 comments: to “ LP 90: Balak

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster