LP 98: Plastik

Mar 26, 2010




Ilalagay ko sana ang larawan ng kaaway ko dito kasi plastik siya e pero naisip ko, sayang ang internet space, ha ha ha! So, ihahabol ko na lang ang lahok kong ito para sa kalikasan. Diba uso naman ang pagiging Green? Mahilig kasi akong akong maghalaman kahit maliit ang espasyo. E dahil sayang naman kung bibili pa ako ng mga paso, naisip ko na i-recycle na lamang ang mga plastik na lagayan ng mga softdrinks. O di ba, mura na, nakakatulong pa sa kalikasan, at nakakaganda pa ng aming paligid. Napakadali kasing buhayin ng mga halaman na ito. Itapat mo lang sa araw ay kay dali ng mamulaklak! E di hindi na kalat ang mga plastik hindi ba?


Ginagawa ko ding i-recycle ang mga bote ng alak, lata ng gatas, plastic ng ice cream at kung anu-ano pa na puedeng pagtamnan ng halaman. Yang bote sa ibaba na nakasabit ay bote ng Fundador, o di ba?

Sana ay gawin nating lahat ang ating parte para mas maging ligtas ang ating mundo. Wag pala nating kalimutan na makiisa sa Earth Hour ngayong March 27, 830 ng gabi.


2 comments: to “ LP 98: Plastik

  • thess
    March 27, 2010  

    You deserve a clap kaya clap clap talaga!! Bilib ako sa ginawa mong pagrerecycle sa mga plastic na sisidlan...dapat kang tularan ng nakararami!

    Happy LP and a good weekend to you and your family :)

  • siyetehan
    March 29, 2010  

    korek. madaling tumubo yang halaman na yan. ang mainam pa diyan, maganda/kyut yung mga bulaklak.

    refreshing!

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster