LP 63: Pamilya

May 20, 2010

Kung tatanungin mo ako kung ako ay mayaman, ang isasagot ko sa iyo ay Oo! Mayaman ako sa pagmamahal ng pamilya ko, na sa awa ng Poong Maykapal, ay kapiling ko araw-araw. Hindi pa naman namin kinakailangang magsakripisyo at maghiwa-hiwalay, para magtrabaho sa ibang bansa. Nakakaya pa naman naming matugunan ang mga pangangailan ng pamilya kahit dito lang kami. Minsan kulang, minsan sapat, pero sama-sama!

At meron pang mga bihirang pagkakataon na nakakaipon (o nakakaswerte ng sale!) na nakakabyahe kaming pamilya. Kuha ang mga larawang ito sa Bohol nung December 2008. Ang saya!


At mukhang mauulit ito muli ngayong July, kasi naka-sale ako ng ticket sa Cebu Pacific. Walo kami, kasama ang biyenan ko at nanay at kapatid ko, na bibiyahe papuntang Boracay! Wow, kumpleto ang pamilya! Ang saya-saya!Justify Fullt


2 comments: to “ LP 63: Pamilya

  • ~KATE~
    May 20, 2010  

    sarap talagang mag-byahe!
    at mas masarap sya pag kasama ang pamilya!

    enjoy your trip sa Bora! ^^,

    Heto nga pala ang aking entry para sa linggong ito. ^_^

  • shutter happy jenn
    May 20, 2010  

    Hmmm ang daya, bakit nung time na nagpunta kami sa Bohol bawal hawakan mga Tarsier? Hehehe.. inggit me. Miss ko na ang Bohol.

    Salamat sa pagdaan sa LP entry ko. Happy Huwebes!

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster