LP 138: Ala-ala

Feb 10, 2011

Naaalala mo pa ba ang larong Jackstone? Marahil ay nakapaglaro ka nito nuong bata ka pa. Natuwa nga ako ng makita ang aking mga anak na naglalaro nito nuong isang gabi at pilit nila akong isinali. Ang kaso, nakalimutan ko na ang mga panuntunan ng laro kaya kailangan pa nila akong turuan! At lalo na ng kailangan ko ng magpakita ng tricks! Ay naku, ang saya namang balikan ang nakaraan!
At ito pa ang nakaktuwa, ang asawa ko pala ay naglaro din ng jackstone nuong siya ay bata at naaalala pa niya kung ano ang mga tricks dito! Bilib na bilid tuloy ang mga anak nya sa kanya!


O di ba, sarap magbalik pagkabata at alalahanin ang mga ganitong laro?


4 comments: to “ LP 138: Ala-ala

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster