LP 155: Kailangan

Jun 23, 2011



Kailangan ko siya tulad ng pangangailangan ko sa hangin para mabuhay. Siya ang aking kabiyak, at isang malaking biyaya sa aking buhay. Bata pa lang kami ng maging mag-asawa, 19 siya at 21 naman ako ng isilang ang aming panganay. Pero hindi katulad ng mga ibang batang nag-asawa, sa awa ng Diyos, heto naman kami at magkasama pa rin at masayang namumuhay kasama ang aming tatlong anak. Marami pa rin kaming hinaharap na pagsubok pero marami na rin naman kaming mga pangarap ng natupad. At alam ko, marami pa rin kaming pagdaraanan sa buhay pero hindi ako natatakot dahil siya ang kasama ko at batid ko na laging kami ang una sa buhay nya. Kapag nga ako ay nagdarasal, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa akin ang isang lalaking katulad ni Noel. Birthday niya ngayon, at isang espesyal na okasyon para ipaalam sa inyong lahat ng mahal ko siya, at kailangan ko siya sa buhay ko.

Maligayang Kaarawan, Sweetheart! At nawa ay mapuno ang araw na ito ng mga bagay na higit na makakapagpasaya sa iyo!


1 comments: to “ LP 155: Kailangan

  • kayni
    June 23, 2011  

    Ang sweet naman. Maligayang kaarawan sa'yong sweetheart.

    I add ko ang blog mo sa list ko ha. Maligayang LP!

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster