LP156: Basa

Jun 30, 2011

Isa ito sa mga pinakasikat na palaro sa aming barangay kapag fiesta, ang sisirang coins. Oo, ang mga batang yan ay sumisisid sa malalim na palanggana ng asul na tubig para kunin sa pamamagitan ng bibig nila ang mga baryang limang piso at sampung piso.
Patagalan at padamihan ng makukuha! At pag ahon ng mukha ay basang basa sa kulay asul na tubig! Tingnan nyo yung batang nakatayo sa ibaba na nagluluwa ng coins!
Wala namang umuuwing luhaan dahil bawat may batang susubok ay palaging nilalagyan ng maraming barya.
Ang saya ano?


3 comments: to “ LP156: Basa

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster