LP 171: Maasim

Oct 13, 2011

Kapag sinabi mong maasim, at lalo na kapag ganitong maulan, isa lang ang pumapasok sa isip ko: ang sinigang. At napansin ko, sa aking paghanap ng mga larawan na maari sa temang eto, na lahat na yata ng lugar na pinuntahan ko, ay sinigang pa din ang hanap ko. Maari ko na nga yatang sabihin na ito na ang aking pinaka paboritong ulam.

Ang sinigang na ito ay sa Mangan ng kumain kami ng aking mga kaibigan sa opisina minsang may sale sa isang groupon site.
Eto naman ay mga lahok sa sinigang na niluto na nanay ko sa bahay namin sa Montalban minsang maanyayahan namin ang aming mga kaibigan. E hindi ko na nakuhan ng larawan matapos maluto dahil pinagkaguluhan na, ha ha.
Eto naman ay sinigang sa Puerto Princesa, sa Baker's Hill. Tamang tama ang asim nyan.
Eto ang sinigang na inorder namin sa Cebu ng mag swimming kami sa Mactan.
Heto naman ang sinigang na pinaluto ko ng magpunta ang buong pamilya namin sa Boracay.
Pati na ang sinigang na hipon na ito. Ang sarap!
Ang ito ang sinigang na luto ng nanay ko ng mag swimming kami para sa birthday nya.
Eto ay sinigang na niluto ng aming bangkero ng mag island-hopping kami sa Coron.
O di ba, makita ko pa lang ang larawan ng sinigang ay alam ko na din kung kelan at saan ko ito kinunan ng larawan. Hindi lang ang asim at sarap nya ang naalala ko, maging ang mga pangyayari at masasayang alaala ng aking buhay at mga paglalakbay. Maasim man ang sinigang, masarap naman siyang bahagi ng aking buhay!


0 comments: to “ LP 171: Maasim

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster