LP 172: Mapait

Oct 20, 2011

Ito ang mapait na katotohanang kinakaharap ng Pilipinas: ang kahirapan. Ang mga tao ay napipilitang tumira sa mga tahanang hindi ligtas at hindi makatao dahil wala silang kakayahang bumili o magbayad ng maayos na tirahan. Dahil dito, nadaragdagan ang problema: nagbabaha dahil ang mga kanal at estero ay nagiging barado sahil sa mga illegal na struktura.
Ito ay isang mapait na katotohanan na hindi lang dapat harapin ng ating pamahalaan kundi marapat din na hanapan ng pangmatagalang solusyon. Subalit sa dami ng pangulo na nangako, minsan, ang hirap na ding umasa na may pagbabagong magaganap. Sana lang ay wag magbuwis ng buhay ang mga tao para lamang dito.

Kuha ito ng aking kapatid na si @bettertinn sa isang estero sa Quiapo, Manila.


0 comments: to “ LP 172: Mapait

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster