LP 175: Gulong

Nov 10, 2011

Kung iisipin, lahat ng mga patapong bagay ay may pakinabang pa. Katulad halimbawa ng mga gulong na ito na nakita ko sa dalampasigan ng Matabungkay nuong isang taon. Ginagamit siya sa team building bilang obstacle course. Mabuti na lamang at na-recycle sila. Isipin mo na lamang na hindi siya nabubulok at magtatagal sa ating mundo ng mahabang panahon. Sa ganitong paraan, hindi siya basura na masakit sa mata, kundi isang kapaki-pakinabang na bagay!
Hindi lamang gulong ang maari nating i-recycle. Sana ay lagi nating isipin bago magtapon ng kung anuman, na baka may iba siyang pakinabang at hindi basura lamang.


2 comments: to “ LP 175: Gulong

  • Thess
    November 10, 2011  

    Magugustuhan itong mga gulong na ito nuong unggoy sa LP main post, lol!

    Happy LP, Dinah!

  • Kim, USA
    November 11, 2011  

    Oo dapat we have to recyle tires. Sa amin ginawa itong malaking ball tapos nilagay sa ilalim nang dagat para pamugaran nang mga isda at yung mangingitlog na isda. Eh wala na kasing natirang corals kaya ganun. Nice post Dinah thanks sa bisita din!

    Gulong/Wheel

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster