LP 180: Kapit

Dec 15, 2011

Sana, tayo ay parang bata na mahigpit ang kapit kapag natatakot, pero kayang bumitiw kapag sinabi mong, 'Okay lang yan Anak, sasaluhin ka ni Mommy.'
Buo ang tiwala sa mga taong mahal nila, na kahit kailan sila ay sasaluhin, at hindi hahayaang malaglag. Nakakainggit ang kanilang kakayahang magtiwala.
Sana, ako ay isang bata upang kaya kung bitawan ang mga bagay na masakit nang maging bahagi pa ng aking buhay. Pero natatakot kasi ako, baka walang sumalo kapag bumitiw ako sa pagkakakapit.
Sana kaya nating maging batang muli.


1 comments: to “ LP 180: Kapit

  • -g.
    December 15, 2011  

    Great bonding with your child and yes, sana bata nalang na laging anjan si "mommy". Let's all love and appreciate our mom for everything she does for us. All the love!

    -G.

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster