LP 193: Lalaki

Mar 15, 2012

Ang mga lalaki sa buhay ko, ang tanging pangarap ay maging sikat na basketball player, hindi sundalo or engineer ha, basketball player! Ang asawa ko, malabo ng matupad ang pangarap na iyon. Paano ba nama, kulang sa tangkad! E sa talagang hindi naman lahi ng malalaki e kaya anong magagawa natin. Pero ang panganay kong anak, aba e mukhang may kaunting pag-asa. Sa edad na 13, mataas na siya sa kanyang ama!Pero yun nga lang, hindi pa rin yata sapat. E hanggang leeg lamang siya ng mamang eto e! (Teka, halata ba na hindi ako mahilig sa basketball kaya hindi ko kilala ang mga narine sa litrato, ha ha ha!)
Hay anak, sana nga ay madagdagan pa ang iyong laki at ng matupad ang iyong pangarap. Matulog ka lang sa oras at kumain ng sapat, lalaki ka pa!


2 comments: to “ LP 193: Lalaki

  • Thess
    March 15, 2012  

    Aww Dinah, kay guapo ng iyong iho...sana nga tumangkad ng husto at aba , baka maging PBA star!

    happy L.P.!

  • Nortehanon
    March 16, 2012  

    Wow, tangkad na nga ng anak mo. May binata ka na, Dinah! How time flies! In the photos you have posted here in the past, di pa siya ganyan katangkad.

    Ako, basketball fan ako dati. Ginebra haha!

Post a Comment

 

Design by Amanda @ Blogger Buster