LP 83: Hiling (Wish)
Dec 10, 2009

Simple lang ang aking hiling, na sana'y mas maraming bata pa ang makapaglaro at magkaroon ng laruan, at maging bata na walang dinadalang anumang suliranin o pasanin sa kanilang murang edad.

Hiling ko'y maranasan ng mga bata ang maging bata, na hindi kailanging magbanat ng buto sa kanilang kamusmusan upang tumulong na buhayin ang pamilya. Hiling ko na mas dumami ang mga responsableng magulang at magkaroon sila ng mas maraming oportunidad para masuportahan ang pamilya.


December 11, 2009
kaninang umaga, may nakita ako isang batang may buhat-buhat na isang sako ng damit, habang ang nanay ay nauuna sa pagtawid. mukha namang malakas ang katawan nya, nakakaawa yung bata!
anyway, i second the motion sa iyong hiling, lalo na ngayong Pasko mas maraming batang pakalat-kalat sa kalye upang magtrabaho.
happy LP! :)
December 12, 2009
sang ayon ako sa kahilingan mo ate