
May dalawang dekada na namayapa ang aking ama. Nasa mataas na paaralan pa lamang ako ng siya ay pumanaw. Pero hanggang ngayon ay tanda ko pa ang mga masasayang alaala namin dahil alam ko, ako ang kanyang paborito. Nalulungkot lamang ako na sa
sementeryo na lamang, sa ilalim ng lapida, siya nakilala ng aking asawa at mga anak.

Pero hindi ako magkukulang ng pagpapaalala sa kanila tungkol sa aking dakilang ama. At bagama't ngayon lamang kami uli nakauwi ng Batangas para dumalaw sa kanyang puntod, isa naman itong masayang panahon ng pag-alala at pagdarasal para sa kanya. At nasaan man siya ngayon, alam kong masaya siya para sa aming naging pamilya.
November 03, 2011
salamat sa pagdalaw...
2007 pa ata ang huli kong pag-uwi para sa araw ng undas
November 05, 2011
Thanks, I’ve seen your blog before during my, all of the ex-pats are linked together, which is really cool. Thanks for the mention and I put your link up here too.